Ang mga kaibigan ni Mama Susan.


Medyo natagal bago ako naka gawa ng kugn ano mang tawag dito pasa sa libro. Ang masasabi ko lang, nugn una eh iba ang akala kong takbo ng kwento. Sa totoo lang kasi, akala ko, love story sya kasi akala ko pinagbigyan na ni Bob Ong ang mga taong gumagawa gawa ng kwento at gumagawa ng quotes at pinapangalan sa kanya, o sa madaling sabi eh, tinatag si Bob Ong sa mga love quotes na hindi naman nya gawa. Akala ko talaga eh, pagbibigayn na nya ang madaming nagtatanogn o nagrerequest sa kanya na gumawa ng mga ganung kwento. Mali pala ako.



Gabi na nung naumpisahan kugn basahin ang libro. Sa totoo nga nyan eh, wala akong pakealam kugn anong oras na o kaya eh kung matatapos ko man sya kinabukasan o hindi man nung gabi na yun kasi may pasok pa nga ako kinabukasan. Pero nagkamali ako, inabot ako ng umaga at halos 2 oras lang ang naging tulog ko dahil sa kakabasa. May kung ano man sa libro na hindi ko magawang mabitawan at hindi mapigilan na mabasa. Kaya sa hindi inaasahan na pagkakataon, natapos ko sya ng isang basahan lang. Walang mintis, ang bilis ng pangyayari.

Kakaiba ang librong ito nni Bob Ong dahil ngayon lang ako nakabasa ng isang nakakatakot na likha nya. Magalign ang pagkakasulat dahil nagawa ni Bob Ong na liwanagin lahat ng detalye ng kwento. Mula sa mga kwarto at mga tao at mga galaw. Pakiramdam ko nung nagbabasa ako eh, nasa loob ako ng libro at para bang kasama ko ang mga tauhan at nagmamasid lang ako ng malapitan. Nung una pa ay hindi nakakatakot. Pero pag dating sa kalahati ng libro, dun mo na mararamdaman ang kakaibang takbo ng kwento.


Hindi man sya katulad ng Philippine ghosts stories o kung ano mang pinoy Ghosts stories, mas masasabi ko pa din na mas magandang basahin ang libro na ito ni Bob Ong. Kasi kahit na pawang kwento lang ito, eh may pupulot ka pa din na aral at hindi lang basta basta kwento. Wala pa ring kupas ang talento ni Bob Ong.

0 comments:

Post a Comment